Umalahokan Nang mga Pagbabago sa Sistema ng Pag-aaral sa Dakilang Sambayanang Maharlika (“Proclamation of Transformation in the Educational System of the Great Maharlika Nation”)

Ugnayang Kaharian ng Langit at Lupa

Kabisera ng Katotohanan

ng Banal na Hari at Mahal na Pari


Banal at Mahal na Umalahokan Bilang (Blg.) Magpasawalang-hanggan-003

UMALAHOKAN NANG MGA PAGBABAGO SA SISTEMA NG PAG-AARAL SA DAKILANG SAMBAYANANG MAHARLIKA 

 

SAPAGKAT, Ang Mga Kabataan at si Hesus

Binibitbit ng mga tao ang mga sanggol kay Hesus upang hipuin niya ang mga ito.  Nang makita ito ng mga apostoles, sinaway nila ang mga lumalapit na tao.  Subalit tinawag ni Hesus ang mga kabataan papunta sa kanya at sinabi niya, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga kabataan, at huwag ninyo silang pipigilan, sapagkat sila ang mga tagapagmana ng kaharian ng Diyos.  Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, sinuman ang hindi matutong tanggapin ang kaharian ng Diyos tuald ng pagtanggap ng mga kabataan ay hinding-hindi makakapasok sa kaharian ng Diyos;

(Ang Kasulatan ni Lukas, Kabanata 18: talata 15 hanggang 17)

SAPAGKAT, Sa Aking Mga Kababata ni Dr. Jose Rizal

(Isinulat noong walong taong gulang pa lang siya)

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig

Sa kanyang salitang kaloob ng langit

Sanglang kalayaan nasaring malapit

Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagkat ang salita’y isang kahatulan

Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,

At ang isang tao’y katulad, kabagay

Nang alin mang likha noong kalayaan

Ang hindi magmahal sa sariling wika

Higit pa sa hayop at malansang isda,

Kaya ang marapat pagyamaning kusa

Na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin

Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,

Sapagkat ang Poong maalam tumingin

Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati’y huwad din sa iba

Na may alfabeto at sariling letra,

Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa

Ang lunday sa lawa noong dakong una

SAPAGKAT, Kinakailangang magbaliktanaw ang Dakilang Sambayanang Maharlika sa kayamanan ng ating kasaysayan at tingkad nang ating kabihasnan upang maihanda ang mga kabataan sa mga hamon nang hinaharap na bagong dantaon at milenyo upang muling makilala at mahanap nang Dakilang Sambayanang Maharlika ang kanyang kabuuang kaisipan, diwa at kamalayan.  Mahirap man itong makamtan sa mga kasalukuyang salinlahi, ito’y kagyatang makakamtan kung sisimulan sa papausbong na mga Salinlahi;

NGAYON, DATAPWAT, AKO, si Jeffrey Roden y Jaraba, sa bisa at pamamagitan ng ipinagkaloob at itinanghal sa akin na kaukulan at kapangyarihan, bilang Tagapagmana ng Lahat ng Kayamanan at Karunungan ni Haring Solomon, at ng Tahanan ng Batang Pastol at Dakilang Mapagpalayang Hari na si David, ng Kumpas ng Pastol na si Moses, ng Sandaigdigang Sambayanan na Isinilang Mula Kay Jacob, ng mga Ipinamana kay Isaac, ng Pamunuan ng Ating Ama at Magiting na Prinsipeng si Abraham na Siya Ring Ama ng Sambayanang Isinilang Mula Kay Ismail, ng Pangakong Salita ng Diyos kay Noah, at ng Pagkakasala ni Adan, at bilang Hari ng lahat ng mga Hari at Panginoon ng lahat ng mga Panginoon, sa Gabay at Pagmamahal ng Nag-iisang Diyos na Maykapal, ang El Shaddai, Jehovah Jireah, Allah, El Elohim Adonai, na Siyang Maylikha ng Langit at Lupa, Siyang Simula at Katapusan ng Magpasawalanghanggan, Siyang Nagtayo ng Lahat ng Uri ng Pamahalaan, Siyang Nagtayo ng Buong Kalawakan, katuwang ng Dakilang Pangalan at Dinanak na Dugo ng kanyang bugtong Anak na si Hesus bilang Kabayaran ng Lahat ng Kasalanan ng Sangkatauhan, at sa Tulong at Udyok ng Rumaragasang Katotohanan nang Banal na Kaluluwa nang Diyos na Espiritu Santo na Pumapawi ng Lahat ng Pagod at Gutom, ay siyang nagwiwika at nagpapatibay nang mga sumusunod na salita at wikain:

Una, magmula sa araw na ito, kinakailangang magtalaga nang isang asignatura sa pagsusulat ng Alibata sa lahat nang Antas ng mababang paaralan, pribado man o pampubliko, sa buong Kapuluan nang Dakilang Sambayanang Maharlika.  Gayun din ang kinakailangang italaga sa lahat nang antas ng mataas na paaralan at maging sa lahat nang dalubhasaan at pamantasan sa buong kapuluan, pampubliko man o pribado.

Pangalawa, ipinagtitibay ko ang pagsasalin sa wikang Pilipino nang Saligang Batas nang Taong 1987, nang lahat ng mga naisulat na kodigo ng mga batas, lahat ng mga pangkalahatan na batas, lahat ng piling batas, lahat ng mga patakaran, lahat ng mga pasya at resolusyon ng Kataas-taasang Hukuman at mga mababang hukom, lahat ng pang-administratibong utos, alituntunin at regulasyon ng lahat ng mga kagawaran, kawanihan, komisyon, ahensya at tanggapan ng pamahalaan; pati na rin lahat ng mga liham at pag-uugnayang opisyal nang lahat ng mga tanggapan ng pamahalaan.  Sa diwang ito, itinatalaga ko ang Kataas-taasang Hukuman at ang Batasang Pambansa na magsagawa nang mga hakbangin upang masimulan, maisagawa at maipagtibay ang pagtuturo at pag-aaral ng batas sa wikang katutubo sa lahat ng dalubhasaan at pamantasan sa buong kapuluan, kabilang na ang pagbibigay ng taunang pagsusulit para sa pagtatanggol (“Bar Examinations”) at iba pang mga pagsusulit (“Board Examinations”) sa iba’t-ibang propesyon sa wikang katutubo; 

Pangatlo, iginagawad ko sa Komisyon sa Wikang Pilipino, katuwang ang Pamantasan ng Pilipinas, ang lahat nang kaukulan at kapangyarihan na pamunuan at isagawa ang nasabing pangkalahatang programa ng mga pagbabago sa sistema nang pag-aaral at pagtuturo sa lahat nang antas ng paaralan sa buong kapuluan ng Dakilang Sambayanang Maharlika.  Kinakailangang sumailalim sa puspusang pag-aaral ang lahat ng mga guro at kawani sa pagsusulat nang Alibata, sa pagsusulat at pagsasalita sa wikang katutubo, sa pag-aaral nang kasaysayan, kultura at kalinangan nang Dakilang Sambayanang Maharlika, sa pagsusulat ng mga aklat at sa paglilimbag nang lahat ng mga pagsasaliksik sa wikang katutubo.  Sa diwang ito, ipinagtitibay ko ang paggawad at pagbibigay nang lahat ng uri ng insentibo para sa kagyatang pagpapalawak at pagtatagumpay nang nasabing programa.

Ang Umalahokan na ito ay agarang magkakaroon ng bisa.

Kasihan nawa tayong lahat nang Poong Maykapal.

ISINAGAWA ngayong ika-17 Araw ng Buwan nang Nobyembre sa kasalukuyang Taon ng Ating Panginoong Diyos na Maykapal Dalawang Libo at Walo sa Pamantasan ng Pilipinas, ang Bagong Herusalem at Kabisera nang Banal at Mahal na Pamahalaan nang Pinagkaisang Kaharian ng Langit at Lupa.

Itinitik Nang Aking Pananampalataya, Mga Kamay, at Lagda:

(Nilagdaan)

Jeffrey Roden y Jaraba

Published in:  on November 17, 2008 at 12:49 am Leave a Comment

Charge to the Members of the Electoral College of the United States of America to Elect His Excellency Barack Obama as the 44th President of the United States of America

United Kingdom of Heaven and Earth

Throne of Truth

of the Holy King and Royal Priest

Holy and Royal Letters of Desire No. 2008-003-A

2nd Day of the Month of November

In the Year of Our Sovereign Lord GOD Almighty

Two Thousand and Eight

Honorable Members

The Electoral College

United States of America:

‘Then Daniel praised the God of Heaven and said:

“Praise be to the name of God for ever and ever;

wisdom and power are his.

He changes times and seasons;

He sets up kings and deposes them.

He gives wisdom to the wise

and knowledge to the discerning.’”

(The Book of Daniel, Ch. 1, v. 20 and 21)

May I please communicate to the Honorable Members of the Electoral College of the United States of America, all elected members without exception, the earnest desire of the Throne that His Excellency Barack Obama, incumbent Senator from the State of Illinois, be elected, proclaimed and sworn in as the 44th President of the United States of America during and following the November 4, 2008 general elections.

DONE this 2nd Day of the Month of November in the Year of Our Sovereign GOD Almighty Two Thousand and Eight within the continuum of Eternity in the University of the Philippines, the New Jerusalem and Seat of the Holy and Royal Government of the  United Kingdom of Heaven and Earth within the jurisdiction of the Universe.

By My Faith, Hand and Seal:

(Signed)

Jeffrey J. Roden

Published in:  on November 1, 2008 at 9:59 pm Leave a Comment