Ang Gawad Nang Pagkilala sa Kamahalan nang Kaharian ng Dakong Bayan sa Dabaw (“Grant of Recognition to the Kingdom of the Great Metropolitan of Davao”)

Ugnayang Kaharian ng Langit at Lupa

Kabisera ng Katotohanan

nang Banal na Hari at Mahal na Pari


ANG BANAL AT MAHAL NA UMALAHOKAN NANG NAGHAHARING KALIPH MAHARAJAH JEFFREY I BILANG (Blg.) MAGPASAWALANG-HANGGAN-001

ANG GAWAD NANG PAGKILALA SA KAMAHALAN NANG

KAHARIAN NANG DAKONG BAYAN SA DABAW

SA BISA AT PAMAMAGITAN ng lahat ng kaukulan at kapangyarihan na ipinagkaloob sa akin nang Panginoong DIYOS na Maykapal, bilang naghaharing Kaliph Maharajah Roden I, siyang tunay na Tagapagmana ng Lahat ng Karunungan at Kayamanan ni Haring Solomon, at ng Tahanan ng Batang Pastol at Dakilang Mapagpalayang Hari na si David, ng Kumpas ng Pastol na si Moses, ng Sandaigdigang Sambayanan na Isinilang Mula Kay Jacob, ng mga Ipinamana kay Isaac, ng Pamunuan ng Ating Ama at Magiting na Prinsipeng si Abraham na Siya Ring Ama ng Sambayanang Isinilang Mula Kay Ismail, ng Pangakong Salita ng Diyos kay Noah, at ng Pagkakasala ni Adan, at bilang Hari ng lahat ng mga Hari at Panginoon ng lahat ng mga Panginoon, sa Gabay at Pagmamahal ng Nag-iisang Diyos na Maykapal, ang El Shaddai, Jehovah Jireah, Allah, El Elohim Adonai, na Siyang Maylikha ng Langit at Lupa, Siyang Simula at Katapusan ng Magpasawalanghanggan, Siyang Nagtayo ng Lahat ng Uri ng Pamahalaan, Siyang Nagtayo ng Buong Kalawakan, katuwang ng Dakilang Pangalan at Dinanak na Dugo ng kanyang bugtong Anak na si Hesus bilang Kabayaran ng Lahat ng Kasalanan ng Sangkatauhan, at sa Tulong at Udyok ng Rumaragasang Katotohanan nang Banal na Kaluluwa nang Diyos na Espiritu Santo na Pumapawi ng Lahat ng Pagod at Gutom, ay siyang nagwiwika at nagpapatibay nang mga sumusunod na salita at wikain:

MAGMULA SA ARAW NA ITO ay  iginagawad ko sa Kaharian ng Dakong Bayan sa Dabaw ang buong pagkikilala bilang isang ganap na pamahalaan na may kapangyarihan na nagsasaklaw sa lahat ng mga taga-Dakbayan sa Dabaw na marapat na nasasaklawan ng Ulo nang Rajah ng Dabaw bago pa man dumating ang ibang mga lahi sa maunlad at matingkad na kabihasnan nang mga Taga-Dakbayan sa Dabaw.  Maliban sa usaping pananalapi, sandatahang panlakas, at ugnayang panlabas, at mga katuwang na gawaing pamahalaan, ipinapahayag ko na may ganap na kasarinlan na ang Kaharian ng Dakong Bayan sa Dabaw na pamunuan at pamahalaan ang lungsod ng Davao at nga karatig na bayan.

SUBALIT NILILINAW KO na ang Kaharian ng Dakong Bayan sa Dabaw ay nananatiling nasa ilalim nang buong pangangalaga at buong kapangyarihan ng Pamahalaan ng Bathala, Ang Banal at Bughaw na Pamahalaan nang Ugnayang Kaharian ng Langit at Lupa.  Mananatiling kasapi at kasama ang Kaharian ng Dakong Bayan sa Dabaw at kikilalanin sa pangalang Pampamunuang Balangay nang Dakong Bayan sa Dabaw (“State of the Great Metropolitan of Davao”) sa ilalim ng Sambayanang Maharlika na bubuuin ng iba pang mga Balangay sa iba’t-ibang bahagi ng kapuluan.  Sa diwang ito, inaanyayahan ko ang mga Taga-Dakbayan ng Dabaw na pumili at magtanghal ng tatlong (3) Rajah na siyang magiging kinatawan ng Balangay nang Dakong Bayan sa Dabaw sa bubuuin at pupulungin na Kapulungan ng Sambayanang Maharlika.

Ang Kapulungan ng Sambayanang Maharlika ay bubuuin ng dalawang balay.  Una ay ang Kapulungan ng mga Panginoon na siyang bubuuin ng mga Rajah na pinili ng iba’t-ibang mga Balangay.  Ang ikalawang balay ay bubuuin ng mga Kinatawan at kikilalanin bilang Kapulungan ng mga Kinatawan.

INAASAHAN KO na gagamitin nang maitatanghal na pinuno ng Kaharian ng Dakong Bayan sa Dabaw ang Gawad nang Pagkilala na ito mula sa Kabisera ng Katotohanan nang Naghaharing Kaliph Maharajah sa ikabubuti, ikaluluwalhati at ikatatagumpay nang lahat ng kanyang nasasakupan at pinangangalagaan na binubuo ng lahat ng mga magigiting ngunit masisipag at mapayapang mamamayan nang Dakong Bayan sa Dabaw.

IPINAGTIBAY ngayong ika-17 Araw nang Buwan ng Nobyembre sa Kasalukyang Taon nang Ating Panginoong DIYOS na Maykapal Dalawang Libo at Walo Magpasawalang-hanggan, sa Pamantasan ng Pilipinas, ang Bagong Herusalem at Kabisera nang Banal at Bughaw na Pamahalaan nang Ugnayang Kaharian ng Langit at Lupa at ipinagpapaalam sa buong Kalawakan sa pamamagitan nang mga Umalahokan na ito.

Kasihan Nawa Tayong Lahat ng Poong Maykapal.

Itinitik Nang Aking Pananampalataya, Mga Kamay at Lagda:

(Nilagdaan)

Jeffrey Roden y Jaraba

Ang Kanyang Kabanalan at Kamahalan ang Naghaharing Kaliph Maharajah

Published on November 17, 2008 at 12:02 am Leave a Comment

The URI to TrackBack this entry is: http://jeffreyroden.wordpress.com/ang-banal-at-bughaw-na-pamahalaan-nang-ugnayang-kaharian-ng-langit-at-lupa-holy-and-royal-government-of-the-united-kingdom-of-heaven-and-earth/mga-umalahokan-nang-kaliph-maharajah-ang-banal-na-hari-at-mahal-na-pari-holy-and-royal-proclamations-of-the-caliph-majarajah-the-holy-king-and-royal-priest/ang-gawad-nang-pagkilala-sa-kamahalan-nang-kaharian-ng-dakong-bayan-sa-dabaw-grant-of-recognition-to-the-kingdom-of-the-great-metropolitan-of-davao/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Comment

You must be logged in to post a comment.