Ugnayang Kaharian ng Langit at Lupa
Kabisera ng Katotohanan
nang Banal na Hari at Mahal na Pari
ANG BANAL AT MAHAL NA UMALAHOKAN NANG NAGHAHARING KALIPH MAHARAJAH JEFFREY I BILANG (Blg.) MAGPASAWALANG-HANGGAN-001-J
ANG GAWAD NANG PAGKILALA SA KAMAHALAN NANG SULTAN NG MGA MAGUINDANAON
SA BISA AT PAMAMAGITAN ng lahat ng kaukulan at kapangyarihan na ipinagkaloob sa akin nang Panginoong DIYOS na Maykapal, bilang naghaharing Kaliph Maharajah Roden I, siyang tunay na Tagapagmana ng Lahat ng Karunungan at Kayamanan ni Haring Solomon, bilang Tagapagmana ng Lahat ng Kayamanan at Karunungan ni Haring Solomon, at ng Tahanan ng Batang Pastol at Dakilang Mapagpalayang Hari na si David, ng Kumpas ng Pastol na si Moses, ng Sandaigdigang Sambayanan na Isinilang Mula Kay Jacob, ng mga Ipinamana kay Isaac, ng Pamunuan ng Ating Ama at Magiting na Prinsipeng si Abraham na Siya Ring Ama ng Sambayanang Isinilang Mula Kay Ismail, ng Pangakong Salita ng Diyos kay Noah, at ng Pagkakasala ni Adan, at bilang Hari ng lahat ng mga Hari at Panginoon ng lahat ng mga Panginoon, sa Gabay at Pagmamahal ng Nag-iisang Diyos na Maykapal, ang El Shaddai, Jehovah Jireah, Allah, El Elohim Adonai, na Siyang Maylikha ng Langit at Lupa, Siyang Simula at Katapusan ng Magpasawalanghanggan, Siyang Nagtayo ng Lahat ng Uri ng Pamahalaan, Siyang Nagtayo ng Buong Kalawakan, katuwang ng Dakilang Pangalan at Dinanak na Dugo ng kanyang bugtong Anak na si Hesus bilang Kabayaran ng Lahat ng Kasalanan ng Sangkatauhan, at sa Tulong at Udyok ng Rumaragasang Katotohanan nang Banal na Kaluluwa nang Diyos na Espiritu Santo na Pumapawi ng Lahat ng Pagod at Gutom, ay siyang nagwiwika at nagpapatibay nang mga sumusunod na salita at wikain:
MAGMULA SA ARAW NA ITO ay iginagawad ko sa Sultan ng mga Maguindanaon ang buong pagkikilala bilang isang ganap na pamahalaan na may kapangyarihan na nagsasaklaw sa lahat ng mga Maguindanaon na marapat na nasasaklawan ng Ulo nang Sultan ng Mindanao bago pa man dumating ang ibang mga lahi sa kabihasnan nang mga Maguindanaon. Maliban sa usaping pananalapi, sandatahang panlakas, at ugnayang panlabas, at mga katuwang na gawaing pamahalaan, ipinapahayag ko na may ganap na kasarinlan na ang Sultan ng mga Maguindanaon na pamunuan at pamahalaan ang Balangay ng mga Maguindanaon.
SUBALIT nililinaw ko na ang Sultan ng mga Maguindanaon ay nananatiling nasa ilalim nang buong pangangalaga at buong kapangyarihan ng Pamahalaan ng Bathala, Ang Banal at Bughaw na Pamahalaan nang Ugnayang Kaharian ng Langit at Lupa. Mananatiling kasapi at kasama ang Sultan ng Maguindanao at kikilalanin sa pangalang Balangay ng mga Maguindanaon (“State of Maguindanao”) sa ilalim ng Sambayanang Maharlika na bubuuin ng iba pang mga Balangayan sa iba’t-ibang bahagi ng kapuluan. Sa diwang ito, inaanyayahan ko ang mga Maguindanaon na maghalal at magtanghal ng tatlong (3) Rajah na siyang magiging kinatawan ng Balangay ng mga Maguindanaon sa bubuuin at pupulungin na Kapulungan ng Sambayanang Maharlika.
Ang Kapulungan ng Sambayanang Maharlika ay bubuuin ng dalawang balay. Una ay ang Kapulungan ng mga Panginoon na siyang bubuuin ng mga Rajah na hinalal ng iba’t-ibang mga Balangay. Ang ikalawang balay ay bubuuin ng mga Kinatawan at kikilalanin bilang Kapulungan ng mga Kinatawan.
INAASAHAN KO na gagamitin nang kasalukyang maitatanghal at maghaharing pinuno ng Sultan ng mga Maguindanaon ang Gawad nang Pagkilala na ito mula sa Kabisera ng Katotohanan nang Naghaharing Kaliph Maharajah sa ikabubuti, ikaluluwalhati at ikatatagumpay nang lahat ng kanyang nasasakupan at pinangangalagaan na binubuo ng lahat ng mga magigiting ngunit masisipag at mapayapang mamamayan na Maguindanaon.
IPINAGTIBAY ngayong ika-27 Araw nang Buwan ng Oktubre sa Kasalukyang Taon nang Ating Panginoong DIYOS na Maykapal Dalawang Libo at Walo sa Pamantasan ng Pilipinas, ang Bagong Herusalem at Kabisera nang Banal at Bughaw na Pamahalaan nang Ugnayang Kaharian ng Langit at Lupa at ipinagpapaalam sa buong Kalawakan sa pamamagitan nang mga Umalahokan na ito.
Kasihan Nawa Tayong Lahat ng Poong Maykapal.
Itinitik Nang Aking Pananampalataya, Mga Kamay at Lagda:
(Nilagdaan)
Jeffrey Roden y Jaraba
Ang Kanyang Kabanalan at Kamahalan ang Naghaharing Kaliph Maharajah

