Ang Solusyon sa Ating Kalagayan ay ang Pagsusulong nang Mapayapang Himagsikan ng Henerasyon, ang Sigaw nang Kabataan at ang Pagtatayo at Pagtatanghal nang Pamahalaang Salinlahi (“The Solution to Our Present Crisis Situation is the March of the Peaceful Revolution of the Generation, the Cry of the Youth and the Establishment of the Government of the Generation”)

Ang Pamahalaan ng Bathala

 

 

 

 

 Tanggapan ng Pangulo

ng Dakilang Sambayanang Maharlika

 

 

Umalahokan Bilang (Blg.) Magpasawalanghanggan-004

 

 

ANG SOLUSYON SA ATING KALAGAYAN AY ANG PAGSUSULONG NANG MAPAYAPANG HIMAGSIKAN NG HENERASYON, ANG SIGAW NANG KABATAAN, AT ANG PAGTATAYO AT PAGTATANGHAL NANG

PAMAHALAANG SALINLAHI

 

 

(“THE SOLUTION TO OUR PRESENT CRISIS SITUATION IS THE MARCH OF THE PEACEFUL REVOLUTION OF THE GENERATION, THE CRY OF THE YOUTH AND THE ESTABLISHMENT OF THE GOVERNMENT OF THE GENERATION”)

 

 

SA MGA DAKILA AT MAGIGITING NA MGA ANAK NG BAYAN:

 

 

            Ako ay nagtitiwala na hindi ko na kinakailangan pang isiwalat ang mga detalye nang kalagayan na kinasasadlakan nang Ating Mahal na Pilipinas sa kasalukuyang panahon.  Yaman din lamang na nasasaksihan nang buong Sambayanan ang mga kaganapan sa harapan nang inyong mga telebisyon at nababasa sa mga pahayagan, sapat na marahil na balangkasin ko na lamang ang kinakaharap nang ating bayan.

 

            Unang-una, mayroong nakaupo sa Palasyo ng Malakanyang sa tabi ng Ilog Pasig na administrasyong hindi kinikilala nang ibang mga bahagi ng ating lipunan bilang ganap at tunay na naihalal na Pangulo, tama man o hindi ang paniniwalang ito.  Dahil dito, kabi-kabila ang bumabatikos kay Ginang (Gng.) Gloria Macapagal-Arroyo magmula pa noong maupo siya sa puwesto at tuluy-tuloy hanggang sa kasalukuyan;

 

            Pangalawa, ang administrasyon ni Gng. Macapagal-Arroyo ay humaharap sa kabi-kabilang iskandalo at paratang, may batayan man o wala, nang katiwalian sa pamumuno at pandarambong nang kaban ng bayan.  Dahil dito, ipinapanukala nang mga Miyembro ng Oposisyon sa Kapulungan ng mga Kinatawan na ibaba sa tanggapan si Gng. Macapagal-Arroyo sa pamamagitan ng Impeachment.  Dahil din dito, ipinapanukala nang ilang mga sektor, kabilang na ang mga ginagalang na mga mamamayan at mga institusyon na napapanahon na namang magkaroon ng isang mapayapang pag-aaklas upang mapatalsik si Gng. Macapagal-Arroyo sa pagka-Pangulo.  Subalit tila walang dumidinig sa mga panawagang ito dala na rin marahil sa pagkadala ng mga Pilipino sa kawalan nang tunay na pagbabago matapos ang People Power I at People Power II;

 

            Pangatlo, ipinapanukala naman sa kabilang banda ng mga kakampi ni Gng. Macapagal-Arroyo sa Kapulungan ng mga Kinatawan na magkaroon ng mga Susog sa Saligang Batas.  Dahil dito, ipinangangamba ng mga mamamayan na gagamitin lamang itong paraan upang mapalawig ang pananatili ni Gng. Macapagal-Arroyo sa pagka-Pangulo higit at lampas sa nakatakdang pagbaba niya sa posisyon pagsapit nang tanghaling-tapat sa darating na ika-30 Araw ng Buwan ng Hunyo nang Taong 2010;

 

Pang-apat, ang nakararaming bilang ng Sambayanang Pilipino ay nasasadlak sa matinding gutom at kahirapan.  Ang kahirapang ito ay lalo pang pinaigting at pinalalala ng kasalukuyang krisis sa pandaigdigang ekonomiya.  Sa katunayan, maraming pamilyang Pilipino ang natutulog sa gabi nang walang laman ang tiyan at lalong walang alam sa ihahatid nang kinaumagahan.  Dahil dito, ipinangangamba nang marami ang pagtaas nang krimen at ang posibilidad na mauwi sa kaguluhan kapag hindi naagapan at nabigyan nang lunas ang ating kalagayan.  Dahil din dito, patuloy na naghahanap nang lunas at liwanag ang taumbayan sa kinakaharap ng ating lipunan;

 

 

           

Sa ilalim nang Saligang Batas ng Taon nang Ating Panginoong DIYOS na Maykapal Isang Libo Siyam na Raan Walumpu’t Pito, ay nakasaad ang mga sumusunod na talata:

 

 

PREAMBLE

 

KAMI, ANG MAYKAPANGYARIHANG SAMBAYANANG PILIPINO, NA NAGSUSUMAMO NANG AWA SA PANGINOONG DIYOS NA MAYKAPAL, UPANG MAKAPAGTAYO NG ISANG MAKATARUNGAN AT MAKATAONG LIPUNAN AT MAITANGHAL ANG ISANG PAMAHALAAN NA MAISASAKATAWAN ANG LAHAT NG AMING MGA PANININDIGAN AT PINAPANGARAP, ISULONG ANG KABUTIHAN NANG LAHAT, PANGALAGAAN AT PAUNLARIN ANG YAMAN NANG AMING LAHI, AT PAG-INGATAN PARA SA AMING MGA SARILI AT SA MGA SUSUNOD NA SALINLAHI ANG MGA BIYAYA NANG KALAYAAN AT DEMOKRASYA SA ILALIM NANG PAMUNUAN NG BATAS AT PANANAIG NG KATOTOHANAN, KATARUNGAN, KASARINLAN, PAG-IBIG, PAGKAKAPANTAY-PANTAY, AT KAPAYAPAAN, AY SIYANG NAGBIBIGAY-BISA AT NAGPAPATIBAY NITONG SALIGANG BATAS. 

 

 

ART. II. Seksyon 1.  Ang Pilipinas ay isang demokratiko at republikanong estado.  Ang soberanya ay nananahanan sa taumbayan at lahat nang kapangyarihang pamahalaan ay nagmumula sa kanila.

 

Seksyon 13.  Kinikilala nang Estado ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga kabataan sa larangan ng pagpapalambo ng bansa at kanyang isusulong at pangangalagaan ang kanilang pisikal, moral, spiritwal, intelektwal at sosyal na kalusugan at kabutihan.  Ipamumulat niya sa kabataan ang pag-ibig at pagmamahal sa Inang Bayan, at hihikayatin ang kanilang pakikisali sa mga gawaing pampubliko at pamamahala.

 

Sa bisa nang mga talatang ito at sa katotohanang ang Sambayanang Pilipino ang batis at pinagmumulan nang lahat ng Kapangyarihang Pamahalaan, nananawagan ako sa lahat ng mga kabataang Pilipino, sa aking mga kababata, pati na rin sa iba’t-ibang mga sektor ng lipunang Pilipino na kaisa namin sa patuloy na paniniwala at pananampalataya sa kakayanan nating lahat na baguhin ang ating bansa, na isagawa ang  mga sumusunod:

 

Una, magsagawa tayo nang malawakang kampanya upang maipaalala natin sa lahat nang mamamayang Pilipino ang mga unang kataga sa Preambulo ng Saligang Batas na nagwiwika: “KAMI, ANG MAYKAPANGYARIHANG SAMBAYANANG PILIPINO, NA NAGSUSUMAMO NANG AWA SA PANGINOONG DIYOS NA MAYKAPAL, UPANG MAKAPAGTAYO NG ISANG MAKATARUNGAN AT MAKATAONG LIPUNAN AT MAITANGHAL ANG ISANG PAMAHALAAN NA MAISASAKATAWAN ANG LAHAT NG AMING MGA PANININDIGAN AT PINAPANGARAP,”  Ipaalala po natin sa ating mga kapwa Pilipino na sila, kayo, tayo pong lahat ang batis at pinagmumulan nang lahat ng Kapangyarihang Pamahalaan; na tayo ang nagtayo ng pamahalaan at ng lipunan at tayo ay may karapatan, kinauukulan at kapangyarihan na magtayo ang lipunan at pamahalaan na naaayon sa ating mga paninindigan at mga pinapangarap;

 

Pangalawa, sa bisa nang kapangyarihang ito, hindi na natin kinakailangang hintayin kung ano man ang kahihinatnan ng mga usapin sa Kongreso, maging sa Senado man o sa Kapulungan ng mga Kinatawan, bago tayo kumilos o gumawa ng mga hakbang bilang paghahanda sa mga pagbabago sa ating lipunan at maging sa ating Pamahalaan.  Sa atin po nagsisimula ang lahat ng pagbabago.  Sa diwang ito, nananawagan ako sa lahat ng mga Pilipino, lalung-lalo na sa mga kabataang Pilipino, na bumuo nang pansamantalang Pamahalaan nang SALINLAHI (“interim Government of the Generation”) ng Dakilang Sambayanang Maharlika (“Great Maharlika Nation”) sa mga sumusunod na lugar:

 

a.       Balangay ng mga Ilokano sa La Union, Ilocos Norte, Ilocos Sur at Pangasinan;

 

b.      Balangay ng mga Ibanag-Itawis sa Cagayan, Isabela, Batanes, Quirino, at Nueva Vizcaya;

 

c.       Balangay ng Kordilyera sa Baguio City, Abra, Ifugao, Mountain Province, Kalinga, Apayao, at Benguet;

 

d.      Balangay ng Gitnang Katagalugan sa Bataan, Bulacan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at Aurora;

 

e.       Balangay ng May Nilad sa Quezon City, Manila, Mandaluyong, Pasay, Pasig, Taguig, Pateros, Makati, Marikina, Kalookan, Valenzuela, Malabon, Navotas, Paranaque, Las Pinas at San Juan;

 

f.        Balangay ng Timog Katagalugan sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Mindoro Oriental, Mindoro Occidental, Marinduque, Romblon at Palawan;

 

g.       Balangay ng Bikol sa Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon, Albay, Masbate at Catanduanes;

 

h.       Balangay ng Panay sa Antique, Aklan, Capiz, Iloilo, Guimaras, at Negros Occidental;

 

i.         Balangay ng mga Sri Vijaya sa Cebu, Negros Oriental, Bohol, Siquijor, at Leyte nga Timogon, bukod ang Balangay ng Dakong Bayan sa Sugbo;

 

j.        Balangay ng mga Waray-Waray sa Leyte, Biliran, Eastern Samar, Northern Samar at Western Samar;

 

k.      Balangay ng Sulu at Sabah sa Sulu, Sabah, Basilan, Tawi-Tawi;

 

l.         Balangay ng Zamboanga Peninsula sa Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay at Zamboanga City;

 

m.     Balangay ng Kutang Bato sa North Cotabato, South Cotabato, Sultan Kudarat, Saranggani, at General Santos City;

 

n.       Balangay ng mga Mindanawon sa Compostela Valley, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Oriental, bukod ang Balangay ng Dakong Bayan sa Dabaw;

 

o.      Balangay ng Northern Mindanao sa Bukidnon, Camiguin, Lanao del Norte, Misamis Oriental, at Misamis Occidental, kasama ang mga Lungsod ng Iligan at Cagayn de Oro;

 

p.      Balangay ng Caraga sa Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Dinagat Islands, kasama ang Lungsod ng Butuan;

 

 

Pangatlo, ang mga pansamantalang Pamahalaan nang SALINLAHI (“interim Government of the Generation”) na bubuuin sa mga nasabing lugar ay magkakaroon nang tungkulin na isagawa ang mga sumusunod:

 

 

a.                              Magkaisa upang mapag-alaman at matiyak na may sapat na pagkain ang bawat pamilyang Pilipino na nasasakupan sa inyong mga lugar at gumawa ng mga hakbangin upang maagapan ang anumang kakulangan sa pagkain sa kani-kaniyang mga nasasakupan.  Bahagi rin nang tungkulin nang pansamantalang Pamahalaan nang SALINLAHI ay magsagawa nang boluntaryong programang pang-agrikultura.  Sa diwang ito, nakikiusap ako sa mga simbahan nang anumang relihiyon pati sa mga mangangalakal sa mga nasasakupang lugar na tumulong sa pagtitiyak na may sapat na pagkain ang bawat pamilyang Pilipino.  Sa itatakdang panahon, ang pansamantalang Pambansang Pamahalaan (“interim Federal Government”) ay maglilimbag ng mga Bayaring Papel (“Bonds and Sovereign Issues of the Government of the Generation”) na siyang ibibigay sa mga mangangalakal na makikiisa sa gawaing ito.  Ang mga Bayaring Papel na ito ay maaaring tubusin sa mga Halagang nakasaad dito sa nakatakdang panahon matapos makumpleto ang pagtatayo nang mga Balangay at ng Pambansang Pamahalaan ng Dakilang Sambayanang Maharlika;

 

 

b.                              Bumuo nang mga Kapulungan upang sumulat ng kani-kaniya ninyong mga panukalang Saligang-Batas ng Balangay (“draft State Constitution”) na naaayon sa kalagayan ng inyong mga kultura, kasaysayan at kabihasnan ngunit kumikilala sa pagbibigay ng kapangyarihan sa Pambansang Pamahalaan sa larangan ng sandatahang panlakas (“national defense”), ugnayang panlabas (“foreign affairs”), pananalapi (“money and coinage”), at pagsugpo ng mga katiwalian sa pangangalakal (“anti-trust”).  Ang mga Saligang Batas na ito ay isusumite ninyo sa isang Plebisito sa itatakdang panahon at petsa;

 

 

c.                              Bumuo nang mga Sanggunian para sa Halalan (“Commission on Elections”) na mangangasiwa sa mga isasaganap na mga Plebisito para sa inyong panukalang Saligang-Batas ng Balangay (“draft State Constitutions”) at nang Saligang Batas nang Dakilang Sambayanang Maharlika (“Constitution of the Great Maharlika Nation”) pati na rin nang paghalal ng inyong magiging mga pinuno sa itatakdang petsa ng Pangkalahatang Halalan (“General Elections”);

 

 

ITATAKDA nang pansamantalang Pambansang Pamahalaan (“interim Federal Government”) ang pagbisita at pag-ikot sa iba’t-ibang mga Balangay (“States”) upang tumulong sa pagtatayo ng mga nasabing pansamantalang Pamahalaan nang SALINLAHI (“interim Government of the Generation”) at upang matiyak na lahat ng mga alituntunin at programa ng SALINLAHI ay ipinatutupad sa kani-kaniyang mga nasasakupan.

 

ITINATALAGA ko ang lahat ng mga tapat at magigiting na Kawal nang Sandatahang Lakas ng Pilipinas pati lahat ng mga tapat at matitinong Miyembro ng Pambansang Kapulisan nang Pilipinas na alalayan, bantayan at tulungan ang mga pansamantalang Pamahalaan nang SALINLAHI sa lahat ng kanilang mga gawaing opisyal.

 

ISINULAT ngayong ika-25 Araw ng Buwan ng Nobyembre sa kasalukuyang Taon nang Ating Panginoong DIYOS na Maykapal sa Pamantasan ng Pilipinas, ang Bagong Herusalem at Kabisera nang Banal at Bughaw na Pamahalaan nang Ugnayang Kaharian ng Langit at Lupa.

 

KASIHAN Nawa Tayong Lahat nang Bathala, ang Ating Panginoong DIYOS na Maykapal.

 

 

Itinitik Nang Aking Pananampalataya, Mga Kamay at Sagisag:

 

 

 

(Nilagdaan)

Jeffrey Roden y Jaraba

Ang Pangulo nang Dakilang Sambayanang Maharlika

Published on November 25, 2008 at 1:31 am Leave a Comment

The URI to TrackBack this entry is: http://jeffreyroden.wordpress.com/ang-solusyon-sa-ating-kalagayan-ay-ang-pagsusulong-nang-mapayapang-himagsikan-ng-henerasyon-ang-sigaw-nang-kabataan-at-ang-pagtatayo-at-pagtatanghal-nang-pamahalaang-salinlahi-the-solution-to-our/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Comment

You must be logged in to post a comment.